Monday 25 April 2011

Dear God

So, bukas po eh Admission Conference (AdCon) sa school ko. Ako po ang napiling occupational therapist (dahil ako lang naman talaga mapipili) na mag-present ng case. Sana po bukas ay maging maayos kahit na alam ko pong magigisa ako (AS IN GISA TALAGA, TUTONG NA TUTONG). Alam ko pong magiging learning experience to pero sana meron akong mabalingan bukas after ng lahat. After ng lahat...patnubayan niyo po sana ako sa laban bukas. Ipinagdarasal ko po ito sa ngalan ng aming Tagapagligtas na si Kristo Hesus.

Amen.

PS Sana po yung mga kasama kong magpepresent din ay maging okay din :)