Mahaba-haba din ang oras ng biyahe mula Vancouver pabalik ng Pilipinas - lalo na kung may stopover pa ng isang oras at kalahati sa Taipei. Marami kang taong makikita - Intsik, Amerikano, Hapon, Koreano, Canadian atbp. Pero karamihan sa kanila, mga Pilipinong pabalik din ng bansa upang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Pagsakay namin ng kapatid ko sa eroplano papuntang Maynila, may kumausap sa aming foreigner. Tinanong niya kung saan kami galing bansa. Ang sabi namin Vancouver. Matapos nito ay tinanong niya naman kami kung kamusta daw ang experience namin doon sa Canada.
"Nice place, right? How do you find it?", sabi niya.
Ang sabi ko, " It's very clean there. Despite being an urban area, they have many trees.", sagot ko.
Madalian niya namang sinabi, "Many parks right?"
"Yeah.", sinabi namin. "
But they have Rizal Park in the Philippines too."
"Yeah but the place is unkept, dirty."
"You call your own place dirty?" sabay snicker.
Sabi ko yes I do. Tanging yung mismong parke lang naman talaga yung nililinis. Tama ba?
Hindi ko nais pasamain ang imahe ng Pilipinas sa mga foreigners. Lalo na sa katulad niyang mukhang sanay na sanay na pumunta ng Pinas. Wala ka rin namang matatago. Tunay na madumi ang Pilipinas lalo na ang Maynila - basura dito, basura diyan. May mga lugar na di mo maatim ang amoy. May mga tao din na di mo akalaing mabubuhay doon. Minsan nga, kung napapanahon may mga bangkay pang lumilitaw sa tabi-tabi. Taga-roon man siya o ibang dayo at "pinalipad" lang sa Maynila. Malalaman mo yun kung tumira ka sa Manila o nagtagal doon at kinayod ang mga sulok nito tulad ko. Ayoko lang itong itanggi, ayaw kong itanggi ang isa sa mga problemang puno't dulo ng karamihan ng problemang nasa siyudad. Naniniwala akong sa pagtanggap sa problema ang unang paraan sa pagbabago nito. So, ayoko lang itago. Pero alam ko din na masama yung ginawa ko kasi kahit anong anggulo mo pa yun tignan, tila ba ikinahihiya ko ang Pilipinas. Pero sa totoo lang... sa loob ng labing dalawang oras na biyahe ko mula Vancouver patungong Maynila, wala akong ibang iniisip kundi,
Dahil kahit gaano pa pumanget ang itsura ng Pilipinas. Uuwian ko pa rin ito. Dito ako lumaki. Dito ako nagsaya kabila ng kahirapan. Kung tutuusin, kung isa kang banyaga sobrang maninibago ka pag tumira ka sa Pinas - lalo na sa siyudad. Tila ba impyerno sa init tuwing Marso hanggang Mayo. Pero kung natutunan mo itong tiisin, kahit saan ka mapunta sa mundo ay paraiso na. Ang nakakatawa pa dito ay sa kabila ng polusyon at usok, sabik akong bumalik. Sabik na sumakay sa dyip na ipitan kung bumiyahe. Yung tipong dikit pisngi na kayo ng katabi mo e hindi pa ito bibiyahe dahil kulang pa daw. Pero higit sa lahat, mamahalin mo ang mga tao. Wala ka nang makikita pa sa buong mundo na kasing "warm" nila. Totoo yun! Lalo na sa probinsya. Hay naku maniwala ka sa akin. Pag tag-siyudad ka tulad ko at pumunta ka sa probinsya - ROYAL TREATMENT! Sa pakain, palagi kang invited. At hindi ko rin alam kung bakit pero pag bagong dayo, talagang ikaw ang "star". Masayahin kasi sila palagi. Sa totoo lang, kahit yung mga taga-siyudad din naman mababait at maasikaso pag pumunta ka ng bahay nila. "FILIPINO HOSPITALITY" nga ika nila e di maikukumpara sa iba. Dahil totoo! Ang tao ang uuwian mo dun. Ang babalik balikan mo! At kahit ano pang sabihin ng mga matatanda sa akin na huwag ng bumalik doon, alam kong hindi ko ito maatim. Dahil doon ako isinilang at doon ako lumaki. Tanggap ko lahat-lahat sa kanya - panget man o maganda.

"Pauwi na ako."

No comments:
Post a Comment