Dalawang linggo na ang nakalipas nung magkaroon ng kaguluhan sa Facebook dahil sa isang post mula sa UPCAT Admin tungkol sa maagang paglabas ng USTET results. Madali lang daw ang exam ng UST at wala raw kasing hirap ang UPCAT kaya daw "worth the wait". Madaming nagalit, madaming nag-react. Pero hindi pa nga nareresolba ang init ng away meron na namang lumitaw sa Tumblr tungkol sa UST at eto pa 12 years old (daw?) ang gumawa ng bashing.
Personally, I take the post very insulting, hindi dahil sa isa akong Thomasian kundi isa akong simpleng Emilian na minsan ding sinubukan pumasok ng UST. First and foremost, opo, hindi ako pumasa sa gusto kong kurso sa UST - BS OT at PT. Naging bitter din ako. Siyempre naman, sino bang taong hindi? Lalo na kung UST ang pangarap na school ng best friend mong nauna ng makilala si Lord diba? Nag-aral po ako diyan much more pa sa UPCAT dahil dun talaga ang gusto ko. Nakakainis lang kasi sobrang halaga sayo nung isang bagay at iwawalang bahala at lalaitin lang ng iba. Sobrang mali e. Sobrang mali. Ganito na ba ang karamihan sa sumunod sa henerasyon sa amin? (Don't mean to generalize) APATHETIC, SPITEFUL and DISRESPECTFUL?
Pangalawa, diba kapag bumagsak merong kasunod? HINDI, HINDI. Hindi lipat school agad. ACADEMIC PLACEMENT pa diba? Eto ang kwento. Pumila ako kasama ang kaibigan ko na bumagsak din. Madaming taong nakapila, mainit at maraming nakasimangot. Hmmm... ako sakto lang - hindi nakangiti pero hindi rin nakasimangot. Tinignan ko ng maigi yung listahan ng mga napasa kong kurso. Sa College of Rehabilitation Sciences, isa lang napasa ko - Sports Science. Yung katabi kong babae na kasama yung nanay niya, napasa daw yung Bachelor of Science in Occupational Therapy. Wow! As in, WOW! Ayun nga lang, Pharmacy yung gusto niya. Tinignan ko yung listahan ko ulit at nakita ko dun yung hinahanap nung babae. Sana palit na lang kami diba? Mas madali sana ang buhay kung pwede lang. Napasa ko din most ng engineering at sa philosophy and letters pero naisip ko kung magpapadelay pa ako ng isang taon para maging OT, wag na lang. So nag-EAC ako pagkatapos irekomenda ng dalawa kong doktor. Naisip ko...hindi naman ako gusto ibagsak ng UST e. Gusto lang nila na dun ako sa kursong magagamit ko ang angkin kong talino sa physics, chemistry at english. So, lahat tayo pantay-pantay lang. Iba lang ang kurso ko pero kung ginawa kong engineering yan (na ayoko naman talaga) malamang e isa na rin ako sa mga bobong tinatawag ni theindifferentmasochist. What a psychologically disturbed child. Kailangan niya na nga OT intervention.
Lastly, ang mga kakilala ko pong OT Thomasians ay namamatay ngayon sa orals nila. Sila kaya ang isa sa mga matatalinong tao na kilala ko. Baka mapanganga ka na lang pag nakausap mo sila. Kaya wala siyang karapatan o kahit sino man ang sabihan silang bobo dahil NAGBABASA YAN NG LIBRO HANGGANG BANYO!
Apat na daang taon mula ng itayo ang UST. APAT NA DAANG TAON! O kung di man maintindihan ang bilang sa salita eto... 400 YEARS!!! Aba di biro ang magpatakbo ng isang eskwelahan ng ganun katagal ha. Para si Manong Pepe na lagpas bente singkong taon nang pumipidal ng sorbetes dito sa subdivision namin. Tatagal ba yun ng ganun kahabang panahon kung "pangit na quality" ang kukunin nilang students? Si Mang Pepe ba tatagal ng 25 years sa pagpipidal ng sorbetes niya kung "pangit na quality" rin ng raw materials ang kukunin niya? Sa tingin niyo? Di naman po existential discussion to kaya I'll just say the point. Respetuhin naman ang numerong yan. RESPETUHIN SI MANONG PEPE!
P.S. Kung manlalait lang, hay please lang, check the ideas formulated by your words. Kasi sarili mo ng words, pangbaril na sayo. YOU REALLY DON'T DESERVE TO BE IN UST.
No comments:
Post a Comment